Sen. Cayetano, naniniwalang masyado pang maaga para sa MIF

Sen. Cayetano, naniniwalang masyado pang maaga para sa MIF

IMINUNGKAHI ni Senator Alan Peter Cayetano sa gobyerno na huwag madaliin ang pagkakaroon ng Maharlika Investment Fund (MIF).

Pero para kay Cayetano, masyado pang maaga para sa MIF sa dami ng mga pagdududa, kritisismo, at mga gagastusin para buuin ito.

Sa halip, iminungkahi ng senador na hayaan muna ang mga government financial institutions na sila muna mismo ang mag-invest gamit ang sarili nilang pondo.

Aniya, pwedeng hikayatin ng gobyerno ang SSS, GSIS, at iba pang ahensya na magkaroon ng board membership sa mga proyektong imprastraktura tulad ng skyway at tren na nasa ilalim ng public-private partnership (PPP) na kontrata.

Kapag naging maganda ang takbo nito pagkatapos ng 2 o 3 taon ay saka aniya bumuo ng panibagong korporasyon ang gobyerno para sa MIF.

 

Follow SMNI News on Twitter