Paglindol saTurkiye, posibleng mangyari sa Pinas –MMDA

Paglindol saTurkiye, posibleng mangyari sa Pinas –MMDA

POSIBLENG mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa Turkiye kung saan libu-libong katao ang nasawi dahil sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol.

Kaya bilang paghahanda, magpapatayo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Disaster Preparedness Training Center na layong maiangat ang bilang ng mga rescuers na may sapat na kakayahan para sa mabilis at maayos na search at rescue operation.

Batay sa isang research na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency noong 2004 katuwang ang MMDA at PHIVOLCS, aabot sa 170,000 hanggang 350,000 ang guguhong istraktura kung tatamaan ang Metro Manila ng magnitude 7.2 na lindol.

Batay sa 2014 Infrastracture Survey, 64% ng istraktura sa NCR na naitayo bago ang 1992 National Building Code ay hindi kaya ang magnitute 7 na lindol.

Magreresulta ito sa higit 35,000 indibidwal na masasawi at aabot sa higit 2.4 trillion pesos ang mawawala sa ekonomiya.

Napagtanto naman ng MMDA na hindi malabong mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa Turkiye kung saan libo libo na ang nasawi dahil sa magnitude 7.8 na lindol.

Disaster preparedness training center, itatayo ng MMDA

Bilang paghahanda sa anumang mangyayari, magpapatayo ang MMDA ng Disaster Preparedness Training Center.

Layon ng ahensya na maiakyat ang bilang ng mga rescuers na may sapat na kakayahan para sa mabilis at maayos na search at rescue operation.

Sisimulan ang konstruksyon ng 25 milyon pesos na training center sa Carmona, Cavite sa ikalawang quarter ng 2023 na mabubuksan sa katapusan ng kasalukuyang taon.

May iba’t ibang pasilidad ang training center tulad ng rappeling tower, confined space structure, wrecked building at pancake collapsed building kung saan mararanasan ng mga trainees ang aktwal na nangyayari sa bawat search and rescue operation tuwing may sakuna.

Bukas ang training hindi lamang sa mga taga-NCR kundi maging sa mga taga-ibang lugar.

Pagbibigay-diin pa ng ahensya na hindi lamang individual training ang isasagawa nila kundi isang trainor’s training.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter