MALAPIT nang itigil ang isinasagawang rescue operation sa mga biktima na natabunan ng lupa at gusali kasunod sa magnitude 7.8 na tumama sa Turkiye at Syria.
Ayon sa United Nation ito ay para mas mapangalagaan at matutukan ang mga nakaligtas tulad ng pagbibigay ng tirahan, pagkain at atensyong medikal gaya ng psychosocial care.
Sa ngayon tinatayang nasa 41,000 na ang namatay kasunod ng malakas na lindol sa Turkiye at Syria.