PANGUNGUNAHAN ng Japan ang pagpupulong ng G7 Finance chiefs sa darating na Huwebes.
Magho-host ang Japan ng pagpupulong ng Finance chiefs ng Group of Seven Nations sa Huwebes upang pag-usapan ang mga sanction na ipinapatupad sa Russia.
Ito ang inihayag ni Japanese Finance Minister Shunichi Suzuki kung saan kasama nito na mangunguna sa pagpupulong ang mga Central Bank Governor ng Japan.
Ang pagpupulong ay isasagawa bago ang isang taong anibersaryo ng gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay Suzuki, buo ang desisyon ng G7 na suportahan ang Ukraine at patuloy na i-pressure ang Russia.
Nakatakda rin na magsagawa ng virtual meeting kasama si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang G7 leaders sa darating na Biyernes.
Matatandaan na kasali sa G7 Group ang Britanya, Canada, Germany, France, Italy, Japan, U.S.A maging ang European Union.