DADALHIN ni French President Emmanuel Macron si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa construction site ng Notre Dame Cathedral kasabay ng pagpapalakas ng bilateral na ugnayan ng dalawang bansa.
Si Kishida ay nakatakdang mag host ng summit ng Group of Seven Industrial Powers sa darating na Mayo.
Pero sa ngayon ay sinimulan muna nito ang pag-iikot sa G7 capitals at inaasahang makikipag-usap ukol sa isyu ng economic security at semiconductors.
Matatandaan naman na nais ng France na palakasin ang presensya nito sa Indo Pasipiko at ninanais na palalimin pa ang economic tie sa Japan.
Nais din nitong makatulong sa Defense Industry ng Japan gaya ng naitulong nito sa Civilian Nuclear Power Sector. Macron
Posible namang isali rin sa pag-uusapan ng dalawang lider ang US Inflation Reduction Act, alyansa sa pagitan ng automaker na Renault at Nissan at paano makakatulong sa Ukraine sa kaguluhan roon kasama ang Russia.