INIHAYAG ng Office for Transportation Security (OTS) na isinailalim sa preventive suspension ang mga tauhan ng OTS na sangkot sa pangingikil sa mga pasaherong turista paalis ng bansa noong nakaraang linggo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.
Nanindigan si OTS Administrator Usec. Mao Aplasca na hindi nila kukunsintihin ang kanilang mga tauhan na nasasangkot sa mga iligal na gawain sa oras ng kanilang trabaho sa loob ng paliparan.
Trending sa social media ngayon ang post ng isang dayuhan kaugnay sa extortion na ginawa ng mga tauhan ng OTS sa Terminal 2 sa NAIA.
Sa video na pinost ni Piyawat Gunlayaprasit, makikita na may isang OTS personnel na may inilalagay sa bulsa sa kasamahan nito habang sumasailalim sa screening check point ang mga pasaherong dayuhan habang papaalis ang mga ito ng bansa.
Ang 2 personnel ay walang kamalay-malay na nakukuhanan sila ng video sa akto ng isang pasahero.
Sa post ni Piyawat sinabi nito na habang siya ay nakatayo sa isang transit gate ng paliparan, narinig niya sa isang kasama na nawawalan ng pera habang hawak niya ang kanyang iPad nakita niya ang 2 personnel na may kapansin-pansin itong ginagawa nang pasikreto.
Nilapitan daw ng biktimang Thai national si Kitja Thabthim ang mga naturang personnel kaugnay sa kaniyang nawawalang pera, pero sinabihan lang daw nito na walang CCTV camera para makontak ang central office.
Pero hindi nagdalawang isip na sinabihan ni Piyawat ang Thai sister na nakakuha siya ng video na nagpapatunay na mismong mga security personnel ang nagkuha ng pera sa kanilang Thai brother.
Sa 2 video ay nagpapakita na humihiling sa Security Screening Officer (SSO) na ibalik ang perang kinuha sa kaniya na nagkakahalaga ng 20,000 yen o katumbas ng mahigit P8-M, na nakitang iniabot sa pasahero.
Sa isang exclusive interview ng SMNI News, sinabi ni OTS Administrator Usec. Mao Aplasca na agad silang nagsagawa ng agarang aksyon upang matukoy ang mga sangkot na single sign-on (SSO).
Kasunod nito, agad na na-relieve sa kanilang tungkulin ang 5 SSO at kasalukuyang isinailalim sa preventive suspension.
Naghahanda na rin aniya sila ng naangkop na administrative case sa mga naturang SSO.
Giit din ni Usec. Aplasca, sasampahan nila ng kasong kriminal ang 5 mga tauhan ng OTS na sangkot sa pangingikil.
Aniya hindi lamang sila dapat tanggalin sa serbisyo kundi makulong din para sa kanilang mga kriminal na gawain na sumisira sa reputasyon at integridad hindi lamang ng OTS kundi ng buong bansa.
Aminado rin si Aplasca na hindi lamang ito ang unang extortion incident sa OTS.
Sa tala ng OTS mula noong Hulyo 2022, labing apat na mga tauhan ng OTS ang natanggal na sa serbisyo.
Ang mga kasong ito ay mula sa paglabag sa OTS No-Tipping Policy, paglabag sa wastong pagtatapon ng mga hinarang na ipinagbabawal na bagay, pangingikil, bastos na pag-uugali, at paggamit ng mobile phone habang naka-duty.
Samantala muli na namang umaapela ang OTS chief sa mga tauhan nito.