INIHAYAG ng Office for Transportation Security (OTS) na nasa 40 paliparan sa buong bansa ang target na alisan ng initial security screening check point ngayong taong 2023.
Ito’y matapos nakita na naging maganda ang resulta sa pag-alis ng paunang security check sa Ninoy Aquino, Mactan-Cebu at Clark International Airport.
Sa panayam ng SMNI News kay OTS administrator Usec. Ma. O Aplasca sinabi nito na naging mas mabilis at maginhawa sa mga pasaherong pumapasok sa paliparan ang pag-alis ng paunang security screening.
Sa ngayon nasa mahigit 50 na mga paliparan sa buong Pilipinas ang mayroong deployment ang OTS kaugnay sa seguridad.