PATULOY na gumaganda ang peace and order index crime ng bansa.
Ito ang iginiit ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. matapos bumaba ng 19.49% ang index crime.
Ayon kay Azurin, bumaba sa 4,944 ang naitatalang krimen nitong Enero hanggang Pebrero 25 kumpara sa 6,141 sa kaparehong panahon noong 2022.
Ang index crimes ay kinabibilangan ng theft, physical injury, rape, robbery, murder, homicide, motorcycle theft at vehicle theft.
Umaasa naman si Azurin na malulutas ng pulisya sa lalong madaling panahon ang kaso ng pananambang sa mga politiko ngayong buwan.