BUMABA ng 11.98 percent ang index crime sa bansa.
Sa datos ng PNP Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS), mula 3,056 incidents na naitala noong Agosto, bumaba ito sa 2,690 incidents noong Setyembre.
Kapansin-pansin ang pagbaba ng index crimes sa Luzon sa 5.96 percent o 102 incidents, Visayas sa 10.24 percent o 67 incidents, at Mindanao sa 28.47 percent o 197 incidents.
Sa 8 focus crimes, nakapagtala ng pinakamalaking pagbaba sa kaso ng homicide, rape at murder sa 26.09 percent, 25.99 percent at 20.67 percent.
Nakapagtala rin ng 15 percent na pagbaba sa kaso ng physical injury.
May pagbaba rin sa kaso ng theft, robbery at carnapping ng motorsiklo.
Habang tumaas ng 5.88 percent ang kaso ng carnapping ng motor vehicles.
