‘One strike policy’ sa PNP, iminungkahi para maiwasan ang pagpaslang sa elected officials—Sen. Bato

‘One strike policy’ sa PNP, iminungkahi para maiwasan ang pagpaslang sa elected officials—Sen. Bato

IMINUNGKAHI ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang ‘one strike policy’ sa Philippine National Police (PNP).

Ito aniya ang epektibong solusyon para masigasig na magpatrolya ang mga pulis sa kanilang hurisdiksiyon at matiyak ang kaligtasan ng lahat gaya na lang ng elected officials.

Maganda rin aniya kung magkaroon ng administrative policies ang mga ahensiya ng pamahalaan hinggil sa pagmo-monitor sa mga natanggal o nag-AWOL sa serbisyo.

Partikular dito ang Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy, Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection o anumang ahensya na may posibilidad na kapag lumabas sa serbisyo ay umanib sa masasamang grupo at gagawa ng krimen.

Samantala, hinggil sa nagpabaril kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, naniniwala si Dela Rosa na mayaman, mayabang at siga ang nasa likod nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter