MMDA sa publiko: Suportahan ang smoke belching-free campaign sa Metro Manila

MMDA sa publiko: Suportahan ang smoke belching-free campaign sa Metro Manila

HINIMOK ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na suportahan ang kampanya para sa smoke belching-free sa Metro Manila.

Ito ay sa pamamagitan ng nagpapatuloy na roadside smoke emission test ng MMDA.

Ayon sa MMDA na layon nila na magkaroon ng mas malinis at ligtas na hangin sa Kalakhang Maynila.

Ang emission testing ay bilang pagtugon sa Republic Act 8749 (Philippine Clean Air Act of 1999) kung saan ipinagbabawal na ibiyahe ang mga sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok.

Follow SMNI NEWS in Twitter