3 suspek sa pananambang sa gobernador ng Lanao del Sur, nahuli—PNP

3 suspek sa pananambang sa gobernador ng Lanao del Sur, nahuli—PNP

ARESTADO ang 3 suspek na sangkot umano sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. sa Bukidnon.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 10 spokesperson Police Major Joann Navarro, ginawa ang pag-aresto sa tatlo kaugnay ng inilabas na warrant of arrest para sa frustrated murder at illegal possession of firearms.

Nasamsam din ng awtoridad ang samu’t saring armas.

Pebrero 17 nang tinambangan ng mga armadong lalaki ang convoy ni Adiong sa Kalilangan, Bukidnon.

Nakaligtas si Adiong pero napatay ang 4 sa kaniyang mga kasama kabilang ang tatlong pulis at isang driver.

Habang isa sa mga suspek na kinilala sa pangalang Otin ang napatay sa operasyon ng pulisya.

Follow SMNI NEWS in Twitter