‘Political Vendetta’ posibleng dahilan ng sunod-sunod na pananambang sa mga LGU official—FPRRD

‘Political Vendetta’ posibleng dahilan ng sunod-sunod na pananambang sa mga LGU official—FPRRD

NANINIWALA si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng magkakasunod na insidente ng pananambang sa ilang opisyal ng pamahalaan nitong mga nakaraang araw.

Ayon sa dating Pangulo, marahil resulta ng political vendetta o ang matinding paghihiganti dahil sa politika ang nangyaring pamamaslang sa ilang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

“Kung meron mang NPA related I do not think it would be, could only be one or even not at all. It is a political vendetta, killing your opponent or going crazy because you lost in an election or a protest before the COMELEC and you were ousted. You are ousted, you are out of work and you become desperate, these are the things that are happening now,” pahayag ni former President Rodrigo Roa Duterte, Republic of the Philippines.

Matatandaan, nitong buwan lang ng Pebrero ay tatlong politiko na ang tinambangan.

Noong Pebrero 17, sugatan sa pananambang si Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong; noong Pebrero 19 naman ay nasawi sa pananambang si Aparri Vice Mayor Rommel Alameda; noong Pebrero 22 ay sugatan si Datu Montawal Mayor Ohto Montawal sa isang ambush sa Pasay.

At sa pagpasok ng Marso ay nasawi si Negros Oriental Governor Roel Degamo matapos pagbabarilin.

Dating sundalo, posibleng nasa likod ng pagpaslang kay Negor Gov. Degamo – FPRRD

Ani Duterte, ang mga suspek sa pagpaslang kay Gov. Dagamo ay posibleng nasa militar noon na nagpapagamit dahil sa pera.

“They are former military men or military men doing it for money. But let me assure you that kokonti lang ‘yan masyado, not even point zero. May mga tao talagang halal sa pera,” dagdag ni dating Pangulong Duterte.

“Yung mga operation na ganon, it could be done by the NPA’s but the way that they portray themselves in that events killing of the governor, it’s a classic military,” ayon pa kay FPRRD.

Samantala, matatandaang nangako si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na sisiguraduhin na makukuha ang hustisya sa pagpaslang kay Gov. Degamo.

Kasunod nito’y inatasan na rin ng Pangulo ang Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police na buwagin ang mga private army at tukuyin ang mga hotspot sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter