TARGET ng Department of Energy (DOE) na aabot sa 6.3 milyong mga electric vehicles ang mairo-roll out sa bansa hanggang taong 2040.
Katumbas ito sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga sasakyang bumabagtas sa mga daanan sa buong bansa.
Isa sa mga dahilan ng layuning magkaroon ng maraming e-vehicles sa Pilipinas ay ang mabawasan ang ‘dependence’ sa imported fuel.
Pakikiisa na rin ito tungo sa pagkakaroon ng mas malinis at energy efficient transport technologies na hindi nakasisira sa kalikasan.