Unang araw ng Balungao Town Fiesta 2023 sa Pangasinan, makulay at masaya

Unang araw ng Balungao Town Fiesta 2023 sa Pangasinan, makulay at masaya

MATAGUMPAY na sinimulan ang unang araw ng Balungao Town Fiesta 2023 na inilarawan ni Mayor Ma. Theresa Rodriguez-Peralta na napakaganda at masayang selebrasyon.

Sinimulan ang unang araw ng Balungao Town Fiesta 2023 ng isang grand parade na kinabibilangan ng mga street dancers, drum and bugle corps, mga nagagandahang Mrs. Balungao lulan ng mga makukulay na floats, at mga residente ng bayan.

Maging si Mayor Ma. Theresa Peralta ay pinangunahan ang street dancing kasama ng kaniyang mga nasasakupan.

Ayon kay Mayor Peralta, sabik na sabik ang mga tao na lumabas at makisaya maging ng mga kababayan na umuwi pa talaga mula abroad para makadalo sa nasabing selebrasyon.

Todo hataw naman sa kanilang performance ang drum and Bugle Corps at Kalding Dancers na ginanap sa gymnasium ng nasabing bayan.

Kabilang sa lumahok sa sayawan ang mga men in uniform gaya ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, at iba pa.

Para kay Vice Mayor Philipp Peralta, very simple pero napakasaya at aniya ay wala itong kulay politika dahil ang lahat ay nakikiisa at nakikisaya sa selebrasyon.

Kasabay ng unang araw ng selebrasyon ay ang pagkilala sa Mrs. Balungao beauties na hindi nakoronahan noong mga nakaraang taon dulot na rin ng pananalasa ng COVID-19 pandemic.

Mayor Peralta, inanyayahan ang adventure seekers na bumisita sa longest zip line sa bayan ng Balungao

Fully open na ang turismo ng Balungao kaya inaanyayahan ni Mayor Peralta ang adventure seekers na bumisita sa pinakamahabang zip line, pati na rin ang nag-iisang hot and cold spring resorts ng Pangasinan.

Samantala, ipinagmamalaki ng chief of police na si Jimmy P. Paningbatan na drug-cleared municipality na ang Balungao.

Para mapananatili ang titulo bilang drug-cleared municipality, patuloy na minomonitor ng Balungao police at barangay officials ang mga dating drug personalities na nagtapos na sa drug rehabilitation.

Tiniyak naman ni Chief of Police Paningbatan sa mga nais na bumisita sa pagdiriwang ng fiesta ng Balungao at sa mga tourism spot ng bayan ang kanilang seguridad sa lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter