S. Korea, humihingi ng scientific analysis sa pagpapakawala ng ‘treated radioactive water’

S. Korea, humihingi ng scientific analysis sa pagpapakawala ng ‘treated radioactive water’

NANAWAGAN si Pangulong Yoon Suk-yeol ng South Korea sa Japan na magsagawa ng scientific analysis bago magpakawala ng ‘treated radioactive water’ sa karagatan mula sa Fukushima Nuclear Power Plant.

Ito ay inihayag ng mga mambabatas ng Japan kasunod ng pahayag ni Yoon sa pakikipagkita kay Prime Minister Yoshihide Suga na nababahala ito sa impact ng ‘treated radioactive water’ sa karagatan.

Pinuri ni Suga ang pagbisita ni Yoon sa bansa dahil ito ang unang presidente na bumisita sa Japan sa nakalipas na 4  na taon pero handa na umano ito, ituloy ang plano na pagpapakawala ng tubig sa karagatan.

Samantala, ukol naman sa pagpapakawala na ito, siniguro ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na magsagawa  ng safety review para dito at siniguro na ang pagpapakawala ay nakasusunod sa international safety standards.

Hindi lamang South Korea ang umalma sa desisyon ng Tokyo na magpakawala ng treated radioactive water kundi, maging ang China at Taiwan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter