‘MINIMAL’ lang ang environmental impact ng Kaliwa Dam project.
Ito ang muling binigyang-diin ni Kaliwa Dam Project Manager Engr. Ryan James Ayson sa panayam ng SMNI News.
Noong buwan ng Pebrero ay naibigay na rin aniya ang disturbance fees na nagkakahalaga ng tig-80 million pesos para sa mga nagpo-protesta sanang indigent people sa Rizal at Quezon hinggil sa proyekto.
Ibig sabihin, nagkasundo at naintindihan na ng mga ito ang magandang layunin ng Kaliwa Dam project.
Samantala, kung magiging operational na ang Kaliwa Dam project ay magbibigyan ng isang milyong piso kada taon ang bawat komunidad na nakapaloob sa itinuturing na ancestral domain para maipagpatuloy ang kanilang livelihood programs, forest protection at iba pa.