ILALABAS na ng actress-entrepreneur at ngayo’y book author na si Neri Naig ang kauna-unahang libro nito sa Nobyembre.
Kinumpirma ito mismo ni Neri at ng Penguin Books.
May pamagat ang debut book ni Neri na “Wais na Misis: The Wise Homemaker”.
Isang survival guide ang libro tungo sa pagiging ina at negosyante.
May tips, tricks at lessons rin na nakapaloob sa libro na mismong mula sa experience ni Neri.