TINIYAK ng Department of Energy (DOE) na walang dapat ipangamba ang publiko kaugnay sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na posibleng power interruption ngayong panahon ng tag-init matapos na ibasura ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang request ng grid operator para sa buwanang extensions sa ancillary service agreements.
Ayon sa grid operator, ang pagbasura ng month to month extensions sa ancillary services agreements ay matapos tanggapin at buksan ang bids para sa ancillary services sa Luzon noong Marso 14, sa Visayas noong Marso 15 at sa Mindanao noong Marso 16
Kaugnay nito, pinayuhan ng DOE ang NGCP na agad na maghain ng motion for reconsideration at didinggin ng ERC ang naturang petisyon.
Mahalaga ang naturang kasunduan para mapanatili ang reliable operations kung saan ang ancillary service ang sumusuporta sa transmission ng suplay ng kuryente mula sa generators patungo sa mga consumer.