Customized bag para pansamantalang takpan ang mga bitak sa MT Princess Empress, dumating na

Customized bag para pansamantalang takpan ang mga bitak sa MT Princess Empress, dumating na

DUMATING na sa Pilipinas ang unang batch ng mga customized bag na gagamitin upang pansamantalang matakpan ang mga leaking areas sa lumubog na MT Princess Empress.

Ito ang inanunsiyo ni Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor nitong Miyerkules ng hapon.

Una nang sinabi ni Dolor na ikinokonsidera ng mga awtoridad ang prosesong tinatawag na bagging sa pagcontain ng langis.

Aniya, ito ang pinakamadali na paraan kung saan gagamit ng special bag sa pagcontain ng tagas na mabibili sa Singapore at United Kingdom.

Habang ginagawa ang bagging, susunod namang gagawin ang pagpatch ng mga bitak na mas komplikado ayon kay Dolor.

Dagdag pa ng gobernador, nakakita na rito sa Pilipinas ng kompanyang maaaring mag-customise ng nasabing bags kung saan ito ay pumasa sa pagsusuri ng mga Japanese operators ng ROV.

“Magandang balita rin na nakakita na dito sa Pilipinas ng kompanyang maaaring mag-customise ng nasabing bags. Ito ay pumasa na sa pagtingin ng mga Japanese operators ng ROV” ayon kay Governor Humerlito Dolor, Oriental Mindoro.

Aniya na batay sa impormasyon mula kay Incident Commander Geronimo Tuvilla, may kakayahan ang kompanya na gumawa ng isang customized bag sa isang araw.

“Ayon sa impormasyon mula kay Incident Commander Geronimo Tuvilla, may kakayahan itong makagawa ng isang customized bag sa isang araw,” ani Dolor.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter