ARESTADO ang isang babae na wanted sa kasong qualified theft matapos ang isinagawang operasyon ng awtoridad sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Kinilala ni PRO 3 Regional Director Police Brigadier General Jose Hidalgo Jr. ang suspek na si Daisy Babiera, 26 taong gulang at residente ng Brgy. Dicarma sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Si Babiera ay 264 counts ng qualified theft at itinuturing na top 6 most wanted person sa Nueva Ecija.
Lumabas din sa imbestigasyon na ang suspek ay nagtatrabaho sa isang mobile shop kung saan niya kinuha ang benta ng tindahan.
Pinuri naman ni Brigadier General Hidalgo ang kanilang mga tauhan sa matagumpay na operasyon at tiniyak na paiigtingin nila ang presensiya ng awtoridad sa mga komunidad.