Jimin ng BTS, kauna-unahang South Korean solo artist na nanguna sa US songs chart

Jimin ng BTS, kauna-unahang South Korean solo artist na nanguna sa US songs chart

GUMAWA  ng kasaysayan si Jimin ng K-pop supergroup na BTS matapos itong maging kauna-unahang South Korean solo artist na nakakuha ng number one spot sa United States songs chart ayon sa Billboard.

Ang single ni Jimin na “Like Crazy” ang nanguna sa Billboard’s Hot 100 ngayong linggo at tinalo ang “Flowers” ni Miley Cyrus.

Ang kantang “Like Crazy” ay isa sa mga track mula sa first solo album nitong “Face”.

Ayon sa industry outlet, umakyat din sa number 2 ang “Face” at ito ang highest-charting album ng kahit na sinong South Korean solo musician at tinalo ang “Indigo” na album naman ng ka-miyembro nitong si RM na umabot sa number 3.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter