South Korea, magsasagawa ng COVID-19 tests sa sewage samples

South Korea, magsasagawa ng COVID-19 tests sa sewage samples

MAGSASAGAWA ng COVID-19 testing ang South Korea upang mas madaling matukoy ang pinagmulan ng COVID-19.

Magsisimula na ang sewage tests ng South Korea ngayong buwan para sundan ang nagpapatuloy na pagkalat ng COVID-19.

Inihayag ng mga opisyal ng Korea Disease Control and Prevention Agency, ang wastewater surveillance ay posibleng makatulong sa pandemic response ng bansa.

Maaari ding masuri nito ang iba pang outbreaks gaya ng influenza, norovirus o drug resistant bacteria.

Ayon sa plano, ang mga health worker ay magsasagawa ng pagsusuri sa sewage samples na nakolekta mula sa 64 na wastewater facilities isang beses sa isang linggo.

Follow SMNI NEWS in Instagram