P3.4-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa Calamba, Laguna

P3.4-M na halaga ng shabu, nakumpiska sa Calamba, Laguna

NAKUMPISKA ang halagang P3,450,000 na shabu sa pinagsanib na anti-drug operation ng Calamba City Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Laguna Provincial Office at PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team sa Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna.

Arestado si Marlon Mamalayan y Blanca, 35, at nagtatrabaho bilang company driver sa parehong lugar na itinuturing ding high-value target.

Nakuha kay Blanca ang mahigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu at buy-bust money na halagang P3,450,000.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs), Article II of RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter