Sunshine Cruz, pinabulaanan na siya ang dahilan sa pagtanggal sa mga pasahero ng PAL sa business class

Sunshine Cruz, pinabulaanan na siya ang dahilan sa pagtanggal sa mga pasahero ng PAL sa business class

MARIING pinasinungalingan ng aktres na si Sunshine Cruz na siya at kaniyang pamilya ang dahilan kung bakit biglaang tinanggal ang ilang pasahero ng Philippine Airlines (PAL) mula sa business class seats patungong Bali, Indonesia.

Sa Instagram post ng aktres, nag-comment ang isang netizen kung siya ba ang tinutukoy sa kumakalat na post ngayon kung saan last minute na na-bump off ang mga ito upang ibigay ang kanilang puwesto para” celebrity family.”

Tugon naman ni Sunshine, kumpirmado at bayad na ang kanilang ticket unang linggo pa lamang ng Marso.

Naglabas naman ang Philippine Airlines (PAL) ng pahayag na labag sa kanilang patakaran ang pag bump-off ng mga pasahero upang pagbiyan lamang ang mga high-profile passengers at nagkaroon lamang ng overbooking sa kanilang sistema kaya ito nangyari.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter