Valenzuela LGU, namahagi ng financial assistance sa mga naapektuhan ng sunog

Valenzuela LGU, namahagi ng financial assistance sa mga naapektuhan ng sunog

NAMAHAGI ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela ng cash assistance sa mga naapektuhan ng sunog sa Brgy. Ugong na isinagawa nitong Abril 5.

Nasa halagang P30,000 cash assistance ang naipamahagi ng lungsod.

Nagbigay rin ng tig P10,000 cash assistance bawat pamilya ang opisina ni Senator Win Gatchalian.

Matatandaang, binisita agad ni Mayor Wes ang pinangyarihan ng sunog para inspeksyunin.

Nangyari ang pagsabog at sunog sa isang printing company noong Abril 4 na ikinasawi ng 4 katao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter