NAHANAP na umano ang mga crew ng Japan Self-Defense Forces helicopter na nawawala noong nakaraang linggo sa Okinawa.
Ang pahayag na ito ay inilabas matapos na mahanap ng search team ang umano’y katawan at isang pangunahing parte ng UH-60JA helicopter na nawala sa radar matapos mag-take off sa base nito sa Miyako Island.
Kabilang sa mga nakasakay sa helicopter ay si Lt. Gen. Yuichi Sakamoto, 55 year old commander ng Ground Self-Defense Force 8th Division na naka base naman sa Kumamoto Prefecture.
Ayon sa isang source, nakita sa isang underwater camera ang sira sa bawat bahagi ng helicopter na Natavoya sa hilagang silangan ng Irabu Island, isla na nagkokonekta sa tulay ng Miyako Island.
Ang iba pang debris ay natagpuan sa baybayin ng Irabu Island.
Matatandaan na masusing search operation ang inilunsad ng SDF at Japan Coast Guard kung saan nag-deploy na rin ito ng minesweepers, submarine rescue vessels, aircraft at patrol vessels.
Ang dahilan ng bagong crash ay hindi pa rin matukoy dahil walang natanggap na distress signal ang dalawang air traffic control center ng bansa.