Manukan ni Cong. Arnie Teves, ni-raid ng mga awtoridad

Manukan ni Cong. Arnie Teves, ni-raid ng mga awtoridad

INANUNSIYO ni suspended Cong. Arnie Teves na ni-raid na naman ng mga awtoridad ang kaniyang bahay sa Negros Oriental.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Teves na ni-raid ang kaniyang manukan sa bahay niya.

Duda ni Teves na tataniman na naman ng mga ebidensiya ang kaniyang bahay para lalong madiin sa mga isyu.

“Sana naman walang itinanim. Malamang may itatanim na naman ‘yan para magmukha akong masama,” wika ni Teves.

Nauna nang ni-raid ng mga awtoridad nitong nakaraang buwan ang mga bahay ng kongresista para maghanap ng loose firearms.

Para kay Teves, ang patuloy na raid sa kaniyang mga property ay panggigipit at abuso sa kapangyarihan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter