Kaarawan ni Pastor ACQ, dinaluhan ng mga kilalang personalidad mula sa Malaysia

Kaarawan ni Pastor ACQ, dinaluhan ng mga kilalang personalidad mula sa Malaysia

DINALUHAN ng ilang mga kilalang lingkod-bayan mula sa embahada, Migrant Workers Office (MWO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), mga masugid na tagasubaybay ng SMNI at mga Filipino Community ang extended birthday celebration ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Dakong alas-7 ng gabi nang pormal na inumpisahan ang nasabing pagtitipon kung saan nagsama-sama at muling nagkaisa ang mga Filipino leader sa Malaysia.

Personal na dumating ang 2nd secretary at National Task Force Adviser ng embahada na si Mr. Arturo Lee na saludo sa dedikasyon ni Pastor Apollo dahil sa hindi matatawarang  paglaban ng butihing Pastor sa insurhensiya na siyang nagiging hadlang sa pag-unlad ng Pilipinas.

Kabilang din sa dumalo si OWWA Welfare Officer Ms. Leonor mabagal at ilan pang mga kawani ng OWWA Kuala Lumpur.

Nasa listahan din ang mga Filipino Community Presidents at leaders na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar sa bansa para dumalo sa birthday celebration ni Pastor Apollo gaya ng grupong FIMA, Nurse Caregiver Management Alliance, One Heart Netizens – Malaysia, Malaysia-Filipino Club, The Filipino Helping Hands, Pinnacle Healthcare Group, Kabisig Group, RGLI-Gilas, , Bileg Iti Lima Worldwide Inc., United Resource Speakers Group, Lifeline Caregiver Group, Penang Pinoy Support Association, Filipino Community in Johor na kung saan ay kani-kaniyang nagpaabot ng pagbati at birthday wish para kay Pastor Apollo.

Personal ding dumating sa birthday celebration ni Pastor Apollo sina Datuk Dr. Gavin Voon at Mr. Gilbert Pang ng Malaysia-Philippines Chamber of Commerce, Mr. and Mrs. Selvan, Pastora Shanney Fuentes ng House of Change Fellowship Int’l, at marami pang iba.

Bukod dito, umapaw rin ng pagbati ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa social media.

Tuwing sasapit ang Abril 25, milyon-milyong mga bata sa buong mundo ang nagiging masaya dahil inilalaan ni Pastor Apollo ang kaniyang kaarawan para makapagpasaya ng maraming mga bata na halos humigit-kumulang dalawang dekada na nitong ginagawa sa buong mundo bago pa man dumating ang pandemya.

At dahil balik na sa normal ang lahat, muling inihatid ni Pastor Apollo ang ngiti sa maraming mga bata sa maraming bansa kabilang dito sa Malaysia partikular sa Cameron Highlands sa isinagawang gift giving at feeding program.

Hindi matatawaran ang tuwa, ngiti, at pagpapasalamat ng mga bata kay Pastor Apollo.

Marahil ito na rin ang isa sa dahilan kung bakit marami ang nagmamahal sa butihing Pastor, para sa mga ito ang dedikasyon at pagmamahal na pinapakita ni Pastor Apollo sa mga bata at sa ating bansa ay isang halimbawa na dapat tularan ng bagong henerasyon.

Muli maligayang kaarawan Pastor Apollo C. Quiboloy.

Follow SMNI NEWS in Twitter