ISINAGAWA ng Philippine National Police (PNP) ang actual at pilot testing ng digital booking system o e-system.
Ang e-booking system ay isang programa na bunga ng pagsusumikap ng Directorate for Investigation and Detective Management kung saan sa pamamagitan nito ay mas magiging mabilis na ang booking process sa mga maarestong suspek.
Ginawa ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) ng PNP ang pilot testing ng nasabing digital booking system (e-booking) sa Pasig Police Station.
Sa pamamagitan nito ay mas magiging mapapabilis na ang pangongolekta at cross-matching ng fingerprints sa pamamagitan ng Automated Fingerprints Identification System.
Dati kasi ay mano-mano ng pangongolekta ng mga datos na ito.
Sa naturang pilot testing ipinakita ang actual na pagkuha ng fingerprint sa naarestong suspek.
Nilinaw naman ni PMGen. Elesio Cruz Director for Investigation and Detective Management na kahit digital na ang kanilang sistema sa pagkuha ng data ay magpapatuloy pa rin ang kanilang paggamit sa naunang nakaugalian ng pagkuha ng fingerprints.
Samantala tungkol naman sa isyu ng cyber attacks, nilinaw ni PMGen. Cruz na ligtas ang mga impormasyon na kanilang nakakalap laban sa mga cyber attacks.