NAKUHA ng Makati City Government ang 72% ng kanilang revenue target para sa 2023 nitong 1st Quarter ayon kay Mayor Abby Binay.
Pagbabahagi ni Binay na nakakolekta ang Makati ng P12,925,503,905.76 nitong katapusan ng Marso.
P17.85 bilyon ang revenue target ng lungsod para sa buong taon.
Paliwanag ni Mayor Abby na ang mataas na revenue ay dahil sa pagsunod ng mga negosyo sa panawagan na magbayad ng tamang buwis bago ang deadline.
Dagdag pa ng alkalde na ang pondong nalikom ay gagamitin para sa social services at mga programa sa kalusugan, edukasyon at iba pang serbisyo.