Makati City, naabot ang 72% target revenue sa unang bahagi pa lamang ng 2023

Makati City, naabot ang 72% target revenue sa unang bahagi pa lamang ng 2023

INIULAT ng lokal na pamahalaan ng Makati na naabot na nito ang 72 porsiyento ng target revenue nito sa unang bahagi pa lamang ng taong 2023.

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na nakakolekta na ang lungsod ng halos P13-B noong katapusan ng Marso na mahigit sa kalahati mula sa 17.84 bilyong pisong target revenue para sa buong taon.

Sinabi rin ni Binay na ang nasabing koleksiyon ay mas malaki ng 18 porsiyento kumpara sa kitang nakolekta mula sa kaparehong petsa noong nakaraang taon.

Dahil dito, naniniwala si Binay na malapit nang makarekober ang lungsod mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemya.

Nagpapasalamat naman si Binay sa business community, property owners at lahat ng Makatizens sa pagsuporta at paniniwala sa pamunuan ng lungsod.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter