Pagtatapos ng COVID-19 global health emergency, welcome sa DOT

Pagtatapos ng COVID-19 global health emergency, welcome sa DOT

WELCOME para sa Department of Tourism (DOT) ang deklarasyon ng World Health Organization (WHO) na tapos na ang COVID-19 Global Health Emergency of International Concern (PHEIC).

Ayon sa DOT, ang Marcos administration ay gumagawa na ng mga hakbang upang lubos nang buksan ang turismo sa buong mundo.

Kabilang na dito ang paghikayat ng mga mamumuhunan sa bansa upang makagawa ng mas maraming oportunidad at trabaho sa mga Pilipino.

Sinabi pa ng DOT na isang hudyat ang pagtatapos ng pandemya upang mas lalong pasiglahin ang turismo sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagsulong sa kakaibang kakayahan ng mga Pilipino at pagpapakilala sa kagandahan ng Pilipinas.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter