NAGPAPATULOY ang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga ng Philippine National Police (PNP).
Sa ulat ng PNP mula Enero 1 – Mayo 7, 2023, nakapagsagawa ang pulisya ng 16,657 drug operations kung saan nakumpiska ang 5.6 bilyong pisong halaga ng shabu.
Habang naaresto ang 22,116 drug offenders.
Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. buo ang kanilang suporta sa Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nakatuon sa demand reduction ng ilegal na droga.
Maliban dito, puspusan din ang kampanya ng PNP at AFP kontra insurhensiya kung saan nahuli nila ang 221 communist terrorist at 223 ISIS-inspired terrorists mula Enero 1 hanggang Mayo 4, 2023.