NAG-aalok ng libreng 2-day Theoretical Driving Course seminar ang Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) West ngayong linggo.
Ang aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo ng ahensiya.
Layon nito na makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko at magkaroon ng mas ligtas na kalsada para sa lahat ng motorista.
Maliban sa LTO-NCR-West sa Araneta Avenue, Quezon City, magbibigay rin ng libreng seminar ang Pasay City Licensing Center sa Domestic Road, Pasay City.
Ngunit, paalala lang ng para sa mga nag-avail sa naturang aktibidad na ang mga nakumpirmang appointment ay hindi na maaaring mai-transfer o ma-rebook.