VERY proud ang atletang Pinoy na si Janry Ubas matapos masungkit ang gold medal para sa men’s long jump final sa nagpapatuloy na 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.
Ito ang pinakaunang gold medal ng atleta mula nang sumali siya sa SEA Games noong 2015.
Sa isang panayam, inamin ni Ubas na nabigyan siyang muli ng tapang at sigasig na sasabak sa susunod pang palaro para sa karangalan ng bansa.
Samantala, naiuwi na ng mga nagtagumpay na atletang Pinoy ang kanilang nasungkit na medalya sa bansa.
Kabilang dito ang Team Philippines sa indoor hockey, karate, kun bokator, triathlon at mens volleyball team.
Habang tumungo na rin sa Phnom Phenh, Cambodia ang bagong batch ng manlalaro para sa fencing, judo, taekwondo, jetski, gymnastics, e-sports, at finswimming.