MAHIGPIT na binabantayan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang bagong ilegal na droga na “Happy Water”.
Ayon kay PDEG Director Police Brigadier General Faro Antonio Olaguera, mas delikado ang “Happy Water” kung ikukumpara sa iba pang ilegal na droga shabu, ecstasy, caffeine, diazepam, tramadol, at ketamine.
Ilan aniya sa epekto nito ay ang mabilis na pagtibok ng puso, pagtaas ng blood pressure, sakit ng ulo, pagsusuka, hallucination at kung masosobrahan ay maaring maging sanhi ng kamatayan.
Bagama’t hindi pa ito nakararating sa Pilipinas ay kalat na ito sa Thailand at Myanmar.
Nakikipag-ugnayan na ang PDEG sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang mapigilan ang pagpasok ng nasabing ilegal na droga.