NAKAAMBA sa araw ng Martes ang taas-presyo sa produktong petrolyo matapos ang sunud-sunod na rollback nitong nakaraang 3 linggo.
Sa pagtataya ng Unioil Petroleum Philippines, mahigit P1 ang itataas sa kada litro ng diesel at kerosene.
Habang mula 20 sentimos – 50 sentimos naman sa kada litro ng gasolina.
Ayon sa Department of Energy (DOE), nakikita nilang rason ng taas-presyo ay ang pagbaba ng inventory ng Estados Unidos dahil tumaas ang demand.
Sa datos naman ng DOE ngayong Mayo, ang year-to-date net decrease ng diesel at kerosene ay aabot na sa higit P7 habang halos P4 naman sa gasoline.