Biyaheng Laoag-Manila ng Cebu Pacific, muling inilunsad

Biyaheng Laoag-Manila ng Cebu Pacific, muling inilunsad

MULING inilunsad ng Cebu Pacific ang biyaheng Laoag-Manila simula ngayong araw ng Lunes.

Good news para sa mga biyahero mula Ilocos Region dahil mas pinalakas ng Cebu Pacific ang koneksiyon ng kanilang flight ngayon papuntantang Visayas, Mindanao o international.

Simula Lunes, Mayo 22, 2023, ang Cebu Pacific ay may araw-araw na lipad sa pagitan ng Laoag at Maynila.

Ang rutang ito ang ika-35 na destinasyon sa pinakamalawak na domestic network ng airline.

Sa pinakabagong ruta ng CEB, naging mas madali na ngayon ang biyahe mula Laoag, sa direktang flights ng 29 local destinations mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kabilang ang Bacolod, Boracay, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, at Zamboanga.

Bukod sa local destination maaari na ring kumonekta ang mga biyahero mula Laoag sa 23 destinasyon sa buong International Network  ng CEB mula sa Manila, tulad ng Bangkok, Dubai, Hong Kong, Melbourne, Narita, Singapore, Sydney, at Taipei.

Ikinatuwa naman ng Provincial Government ng Ilocos Norte ang inisyatibong ito ng CEB na palakasin ang industriya ng turismo ng lalawigan at hikayatin ang mas maraming tao na maglakbay sa Laoag at iba pang bahagi ng Ilocos Region.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter