TUMATAAS ang bilang ng mga sanggol na iniiwan sa mga mosque, hospital, at mga kahoy sa Syria noong 2021 at 2022.
Batay sa pag-aaral, may naitala nang ganitong uri ng kaso bago nagsimula ang digmaan sa bansa noong taong 2011 ayon sa Washington-based group na Syrians for Truth and Justice.
Subalit noong 2021 at 2022 ay nagkaroon ng 100 kaso hinggil dito.
Itinuturong dahilan dito ay ang kahirapan, kawalan ng seguridad, child marriage, maagang pagkakabuntis at iba pa.