IBINUNYAG ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na nagkaroon na ng assassination plot si Queen Elizabeth II noong bumisita ito sa Estados Unidos taong 1983.
Sa files na inilabas ng FBI noong May 22, 2023, ang plano ay sinabi ng isang lalaki sa isa namang police officer.
Ayon sa lalaki, nais niyang ipaghiganti ang kaniyang anak na babaeng napatay sa pamamagitan ng rubber bullet sa Northern Ireland.
Hindi na idinetalye pa ng FBI kung ano ang ginawa nila upang hindi matuloy ang assassination dahil naging tagumpay ang pagbisita ni Queen Elizabeth II sa kanilang bansa sa naturang taon.