Enrile, nasasayangan sa ‘pagkamatay’ ng Charter change sa Senado

Enrile, nasasayangan sa ‘pagkamatay’ ng Charter change sa Senado

NASASAYANGAN si Dating Senate President at ngayon ay Chief Presidential Legal Counsel Sec. Juan Ponce Enrile sa isinusulong na Charter change sa Senado.

Ito ay kaugnay sa pahayag ni Senator Robinhood Padilla na patay na ang Charter change sa Senado.

Matatandaan na isinusulong ni Padilla ang pagbabago sa economic provision ng Saligang Batas para payagan ang mga dayuhang negosyante na maluwag at direktang makapag-invest sa bansa.

Sa kaniyang programa sa SMNI News, iginiit ni Enrile na kailangang buksan ang Pilipinas para sa foreign investment dahil wala tayong sapat na pera para mapaunlad ang ating sariling bansa.

Ipinunto naman ni Enrile na ang kinatatakutan lang ng ibang senador ay ang tuluyang pagkabuwag ng Senado kapag isusulong na ang parliamentary form of government na posibleng mangyari kapag magkaroon ng Charter change.

Napag-alaman na batay sa pahayag ni Sen. Padilla, mula sa 24 na senador ay nasa 4 lang aniya dito ang suportado ang kaniyang panukalang pagbabago ng konstitusyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter