Malacañang Heritage Tours, bubuksan na simula Hunyo 1

Malacañang Heritage Tours, bubuksan na simula Hunyo 1

BUBUKSAN na sa publiko ang Malacañang Heritage Tours simula Hunyo 1, 2023.

Ito ang inanunsiyo ng Presidential Communications Office (PCO) kung saan binubuo ito ng dalawang museo.

Isa rito ang Bahay Ugnayan kung saan tampok ang buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. mula pagkabata hanggang maging presidente ng Pilipinas.

Ang isa naman ay ang Teus Mansion kung saan inilalahad ang mga pangyayari sa likod ng mga nagdaang Pangulo ng bansa at ang kanilang mga iniwang legasiya para sa mga Pilipino.

Ipinahayag pa ng PCO na ang Malacañang Heritage Tours ay libre sa lahat at bukas umpisa Hunyo 1, mula 9am – 4pm.

Para naman sa karagdagang detalye, maaaring tumawag sa (02) 8735 6080 o magpadala ng email sa [email protected]

 

Follow SMNI NEWS in Twitter