NADISKUBRE ng tropa ng gobyerno ang imbakan ng armas sa Brgy. Bulawan, Marogong, Lanao del Sur.
Nakuha sa lugar ang cal .50 Sniper rifle na may dalawang bandolier at apat na magazine na iniwan ng grupo ng sub-leader ng Daulah Islamiyah-Maute Group na si Ustadz Nasser Daud.
Nabatid na nagsasagawa ng combat patrol ang mga sundalo ng Joint Task Force ZamPeLan nang madiskubre ang imbakan ng armas.
Pinuri ni AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) Commander Lieutenant General Roy Galido ang mga sundalo sa kanilang tagumpay at tiniyak na magpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa threat groups.
Nanawagan din si Galido sa publiko na patuloy silang suportahan upang maisulong ang internal security sa kanilang joint area of operations.