Kilalang singer sa South Korea, nasawi sa edad na 33

Kilalang singer sa South Korea, nasawi sa edad na 33

NASAWI ang isang kilalang singer sa South Korea na si Choi Sung Bong sa edad na 33.

Sa ulat, natagpuan nang walang malay ang mang-aawit sa tinitirhan nitong bahay sa Seoul nitong Miyerkules.

Posible rin aniyang nag-suicide ang singer dahil nakapag-iwan pa ito ng mensahe sa kaniyang Youtube Channel.

Sa kaniyang sulat, taos-puso siyang humihingi ng kapatawaran sa lahat ng naloko niya nang magpanggap itong may malalang sakit para makalikom ng pera.

Naibalik naman na aniya ang lahat ng perang nakolekta sa ginawa niyang fundraising campaign para sa gawa-gawa niyang sakit.

Sinabi pa nito na kalimutan na siya at sanay maging masaya na aniya ang lahat.

Nakilala si Choi nang maging second runner up ito sa Korea’s Got Talent noong 2011.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter