1 pulis nasawi, 14 sugatan sa shootout sa Maimbung, Sulu

1 pulis nasawi, 14 sugatan sa shootout sa Maimbung, Sulu

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na isang pulis ang nasawi habang 14 naman ang sugatan kabilang na ang isang sundalo sa nangyaring shootout sa munisipalidad ng Maimbung sa Sulu noong Sabado, Hunyo 24, 2023.

Ayon sa ulat ng PNP, nangyari ang putukan sa pagitan ng kampo ng puwersa ng gobyerno at ng mga tauhan ni dating Maimbung, Sulu Vice Mayor Pando Mudjasan.

Ihahain sana ng mga pulis at sundalo ang search and arrest warrants laban kay Mudjasan at sa mga kasamahan nito nang mangyari ang insidente.

Kinilala ang nasawi na si Patrolman Regim Gacod, miyembro ng 7SAB unit habang sugatan naman ang mga pulis na si Police Captain Ergie Wanawan, at police corporal na sina Nelvin Roble, Jayson Cabalquinto, Butz Lenard Bakidan, Jerwin Tongala, Jsimon Ligmayo, John Lord Paasa, at Vileo Raven Jariolne.

Sugatan din ang mga staff sergeant na sina Julakbar Jahani at Jadier Alfad at mga patrolmen na sina Jason Dacio at Jasper Massagan.

Dahil sa tagal ng putukan, sinabi ng awtoridad na nakatakas si Mudjasan at patuloy na pinaghahanap.

Si Mudjasan ay wanted sa multiple counts of murder, attempted murder, illegal possession of explosives and firearms.

Si Mudjasan ay sinasangkot din sa arms smuggling at ang mga miyembro ng kaniyang grupo ay nauugnay sa paglaganap ng ilegal na droga at baril sa lalawigan ng Sulu.

Pinapaniwalaan din itong lider ng Moro National Liberation Front (MILF) at supporter ng Abu Sayyaf.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter