DOTr, palalawakin ang bike lane sa buong bansa

DOTr, palalawakin ang bike lane sa buong bansa

PALALAWAKIN ng Department of Transportation (DOTr) ang bike lane sa buong bansa dahil layunin nitong makapagtatag ng 470 kilometrong protected lane para sa mga siklista sa 2023.

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad, ang bike lanes ay kasama rin sa mga pedestrian infrastructure upang matiyak ang kaligtasan ng mga siklista at pedestrian.

Aniya ang pagtatatag ng mga protektadong daanan ng bisikleta ay makatutulong sa pagbabago sa pananaw at magbunga ng pagbabago sa paraan ng pagtingin at paggamit ng mga pampublikong kalsada.

Samantala hindi bababa sa 332,000 residente at aktibong gumagamit ng transportasyon ang inaasahang makikinabang sa proyekto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter