NAGLUNSAD ng Automatic Traffic-Management System ang Bangkok Metropolitan Administration (BMA) sa apat na city roads ng Thailand.
Ito ay upang palakasin ang daloy ng mga sasakyan sa mga ruta, maaari ding ma-access ng mga motorista ang impormasyon ng trapiko sa kanilang mga Smartphone upang makaiwas sa traffic.
Pinangunahan naman ni Bangkok Governor Chadchart Sittipunt ang paglulunsad sa nasabing sistema sa 13 intersections sa Rama Vi Road, Ratchawithi Road, Phahon Yothin Road at Praditpat Road.
Aniya, nasa halos 1,000 na opisyal ang nakatalaga upang kontrolin ang mga traffic light sa buong lungsod at kalahati sa mga ito ay traffic light controllers.
Plano ng BMA na palawakin ang intelligent traffic-management system upang agad na masakop ang 500 spot sa buong kabisera ng Thailand sa 2026.