INAPRUBAHAN na ng World Bank ang P33.2-B loan na hihiramin ng bansa para sa mga magsasakang Pilipino.
Ayon kay Ndiame Diop, World Bank Country Director para sa Brunei, Malaysia, Pilipinas at Thailand, partikular na gagamitin ang pondo para sa upscaling ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture (DA) na inilunsad noong 2014.
Sa pamamagitan ng upscaling, mapauunlad ang access ng mga magsasaka sa mas malawak na resources, kaalaman, income-generating activities, at iba pa.
Mapopondohan na rin ang mga post-harvest technology, climate-proof infrastructure, irrigation systems, at maging ang pagkakaroon ng mas maraming tulay at daanan.
Aktibo ang PRDP sa 80 probinsiya, 640 munisipalidad, 32 lungsod at 633-K na mga magsasaka.