Pastor ACQ, nanatiling suportado ang ‘Love the Philippines’ campaign ng DOT

Pastor ACQ, nanatiling suportado ang ‘Love the Philippines’ campaign ng DOT

NANATILI ang pagsuporta ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Love The Philippines campaign ng Department of Tourism (DOT) pero ang kontrobersiya na nababalot nito dahil sa paggamit ng mga videos na hindi galing sa Pilipinas, dapat aniyang may managot.

“I support Love the Philippines kasi I interviewed Sec. Frasco before these issues came out. Who am I to say I don’t support it. I support it because it is a good idea,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.

Ito ay sa kabila ng kontrobersiyang kinakaharap ng DOT dahil sa paggamit ng mga stock videos na mula sa ibang bansa ng PR agency na kinuha nito sa Tourism video para ikampanya ang Pilipinas.

Paggamit ng stock footage sa Tourism video ng Pilipinas, hindi suportado ni PACQ

Pero para kay Pastor Apollo, hindi niya suportado ang nasabing hakbang ng PR Agency.

“But the videos that came out which purportedly just copied, I don’t support that because it gives us a bad image na nangongopya lang tayo. So whoever did that should face accountability kasi masisira ang image ng Tourism, masisira ang image ni Sec. Frasco, and ultimately masisira ang image ng ating Pangulo, hindi natin gustong mangyari ‘yun. So kailangan harapin ang totoo, ‘yun ay hindi dapat nakalabas kasi kinopya nga at talagang nakita na hindi original eh, harapin ang totoo. Ang sinabing nagkamali kami, I don’t support that,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Mga sangkot sa paggamit ng stock footage sa Tourism video ng DOT, dapat managot—PACQ

Naniniwala si Pastor Apollo na dapat managot ang mga sangkot sa paggamit ng stock videos na hindi naman tourist spot sa Pilipinas.

“What I support is the theme Love the Philippines which we have many beautiful authentic places in the Philippines you can put on advertisements. Kahit ang SMNI pwede gumawa ng mga pictures, ang akin lang kung sino man ang nagpalabas nun harapin nila ang totoo, they are copied, hindi ‘yun Pilipinas kasi sa social media you can’t just do that. There are so many social media accounts, they can compare what you are doing, kino compare tayo eh di masama ang dating I support Sec Frasco’s theme Love the Philippines minus ‘yung mga ganun ‘yung peke na mga videos ng mga Pilipinas na hindi pala but I support the Tourism ako pero huwag naman yung mga videos na kinopya lang. Kailangan managot ang gumawa nun…ang dami nating magagandang lugar bakit kailangan mangopya,” ayon kay Pastor Apollo.

Follow SMNI NEWS in Twitter